Thursday, November 30, 2006

melancholic

I am really dead tired right now. I really have to sleep kaso ang daming laman ng utak ko kaya hindi rin naman ako makakatulog.

Unang-una, the grades I have been receiving so far are very poor. Kasalanan ko rin naman talaga dahil hindi ako nageexert ng maraming effort. Nakakalungkot lang. Feeling ko napakasamang start nun for this sem. Ang tamad-tamad ko kasi, nakakainis! Wala akong makita ni isang motivation para maging determined sa pag-aaral. Haay. What is wrong with me? Napakasaklap ko kapag ganito ang condition ko.

Pangalawa, hindi ko na maintindihan ang relationship ko with djhay. Nalulungkot na talaga ako ng sobra that I almost did not enjoy the star city experience. Buti na lang I have friends like judy and madie. They never left my side. Haay. I really felt like crying last night habang nakikipagkwentuhan kay judy pero naisip ko, bakit ko naman kailangan iyakan ang isang taong wala namang pakialam sa akin. Oh well, ganun talaga ang buhay. Baka I am not meant to be appreciated and cared for. Wahaha! Pucha!

I guess it’s time na talaga para sundin ko ang payo ng aking mga kaibigan. Narealize ko kasi, masyado na akong kawawa. The least I want right now is someone who will take me for granted. Haayy. Napakalungkot naman. Kung alam ko lang na ganito ang kahihinatnan ko, hindi ko na sana hinyaan ang sarili ko magfall ng tuluyan sa kanya. Haayy. Sa ngayon, ang tanging nasa isip ko ay bigyan ang mga sarili namin ng panahon para makapag-isip. Kapag sa dec. 3, hindi pa kami okay, sasabihin kong magcool off muna kami para mapag-isipan nya kung may halaga ba talaga ako for him. Ako naman, pag-iisipan ko kung kakayanin ko pa ba magtiis in case ituloy pa naming yun relationship. Hindi rin kasi biro yung pain na nararamdaman ko. Samantalang siya, he is so free to do whatever he wants without considering me and my feelings. Mahirap kasi magka-boyfriend na umaastang walang girlfriend.

Napakasaklap maging malungkot.

Daddy: Naku anak, wag na wag ka papayag saktan ni delfin. Aba, ikaw yata ang prinsesa ko, walang dapat manakit sa feelings mo.

Dez: opo daddy.

;c