Sunday, May 13, 2007

Kawawa

Haay. Matindi talaga marahil ang pagkamuhi sa akin ng aking mentor. Hindi niya ako tinitext kung saan ako magkocover sa elections samantalang sila madie, sinabihan na ng trainer nila na sa DepEd sila ni Ms. Marichu inassign. Paano naman ako nito? Nakakainis. Ang sama-sama niya. Mukhang ayaw talaga niya maging makabuluhan ang OJT ko. Siguro hindi niya ako pinagkakatiwalaang magcover dahil sa sa tingin niya, masagwa ang aking pagsusulat. Haay.

Ang sakit ng kaliwang braso ko. Kumikirot yung mga muscles ko dahil sa itinurok sa akin ng kapatid kong injection. Sa akin kasi siya nagpractice. Maya-maya, skin test naman ang gagawin. May injection na namang involved. Hindi malakas ang loob ko pagdating sa mga bagay na ito ngunit dahil sa paki-usap sa akin ng aking kapatid at ina, wala naman akong magagawa eh. Para naman to sa pag-aaral ni Meagan. Haayy. Ang sakit!

Nakakairita 'to. Tumahimik ka na. Epal! Hmp!

No comments:

Post a Comment

How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!