Friday, August 13, 2010

Pulubi.

Wala akong galit sa mga pulubi. Ang totoo nga nyan, sobrang lambot ng puso ko sa mga nanghihingi ng tulong. Hangga't may maibibigay ako, hindi naman talaga ako madamot sa kanila. Pero kung wala, wala talaga. Masama man ang loob kong tanggihan sila, wala ako magagawa.

Yung naranasan ko kanina, binago ang paningin ko sa mga pulubi. Parang ayaw ko na tuloy maawa at maging mabait sa kanila.

Uhaw na uhaw ako matapos bumisita sa Educ Lib at maglakad-lakad sa campus. Pagdating sa Philcoa, napilitan na akong bumili ng Coke Light sa Jollibee para mapawi ang aking uhaw. Habang naghihintay ng FX, may lumapit sa aking batang babae na may tulak-tulak na stroller. Kasama nya ang nakababatang kapatid nya.

Pulubi: Ate, pahingi po ng barya.
Ako: Naku, wala kasi akong barya. Pamasahe ko na ito eh.
Pulubi: Ate, akin na lang po yang iniinom mo.
Ako: Sorry, uhaw na uhaw kasi ako eh. Pasensya.

[Sinagasaan ng bata gamit ang stroller ng kapatid nya ang sapatos kong kulay puti.]

Ako: Wag mo naman akong sagasaan.
Pulubi: Ate, akin na lang 'to. [Hinihila na nya yung supot ng softdrink ko.]
Ako: Wag naman, please.

Naisipan ko na umalis para hindi na ako kulitin nung bata. Ang nakakagulat na "parting words" nya para sa akin ay isang malutong na...

"Putang ina mo."

Nakakalungkot lang. Pulubi na nga sya, masama pa ang ugali. Sya na nga lang yung nanghihingi at nang-aabala di ba? Grabe talaga yung batang yun. Sana ibless sya ni Lord para di na sya panghabang buhay manghingi ng barya at softdrinks ng ibang tao.

Hay.

live.love.learn.LOL
Happid3zz

No comments:

Post a Comment

How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!