Thursday, October 14, 2010

Happy birthday MEAGAN!

Alam kong mahal mo ako maski hindi mo sinasabi, maski ayaw mo magpakiss, maski ayaw mo magpahug. Mahal din naman kita, sister dear. Maraming salamat sa pagsundo mo sa akin sa Gumbo. Simula nung araw na iyon, lubos na nadama kong nag-aalala ka pala sa akin. Salamat sa pang-iinis, sa pagpapatawa, at sa pagpapaload mo sa akin palagi. Maraming salamat sa pakikinig mo sa akin. Maraming sa pagdamay mo sa akin. Maraming salamat sa mga food trip na libre mo. Maraming salamat sa panlilibre mo sa akin kapag malungkot ako. Maraming salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Maraming salamat sa pagpapahiram mo sa akin ng mga gamit mo. Maraming salamat sa mga bonding. Salamat sa pagmamahal na hindi mo maamin. LOL. Hindi ko man nasasabi, pero sobrang naeenjoy kitang kasama, lalo na ngayon. Haha.

Sana maging mas masaya tayo bilang magkapatid. Sana mas tumatag tayong dalawa kahit tumanda na tayo. Sana hindi lang ako yung open sa iyo. Sana matutuhan mo rin na maging open sa akin about your life. Maaasahan mo naman ako. Hayun. Salamat sa lahat, kapatid. I lab you!

Magkamukha naman pala tayo eh. Mwah ♥

Hoping, waiting, believing.
★Happidezz

1 comment:

How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!