Tuesday, August 30, 2011

Dance, Martial Arts

Dear Juliet,
Capoeira

Gusto ko matuto nito. Kaya lang wala pa akong oras. Wala pa akong perang pang-enroll. Wala pa akong kasama. At wala pa akong nakikitang studio malapit sa lugar namin. Ang sikip na rin kasi ng schedule ko sa trabaho at sa eskwela. SA SEMBREAK NA LANG!

It would definitely be so cool if I could learn how to kick ass the legit way. CHAR! ;p

 

 Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Tuesday, August 23, 2011

Inside Joke

Dear Juliet,

Mahilig ako mang-asar, pero kapag ako na ang inasar, mabilis ako mapikon. Ayaw ko na paulit-ulit pinag-uusapan ang mga pagkakamali at kapintasan ko, pero kapag ibang tao ang nagkamali at may kapintasan, I love to rub it in their faces! Haha. Yun ang kasiyahan ko. Ganun kasi kasama ang ugali ko. Eh sino ba kasing nagsabing mabait ako?

Source
Ito yung joke. Habang nanood ng "The Big Thing" sa GMA7, nasabi ko sa kapatid ko na tipo ko yung character ni Edward, yung bidang prosecutor na sobrang macho, lalaking lalaki, at gwapo; may pagkabarumbado at isip bata rin. Matagal ko na crush si Kwon Sang Woo lalo na nung ginampanan niya si Cholo sa Stairway to Heaven pa lang. 

Eh loka-loka lang talaga kaming magkapatid, kaya heto ang naging usapan. Bwahahahaha!

Sabi ko: "Ang kulit nung character ni Edward, crush ko na siya."
Sabi niya: "Ah, lawyer. Hmmm."
Sabi ko: "Emphasis on MACHO and MANLY."
Sabi niya: "Paano kaya yung mga becky na lawyers?"
Sabi ko: "Hahahaha! I have someone in mind."
Sabi niya: "Wititit, your honor! Waley sa crime scene ang kliyentesoong ko. Wit talaga siya doon, your honor."

BWAHAHAHAHAHAHA!

Hey we're not hating on gay lawyers. We're just bashing on a particular one ;p

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Saturday, August 20, 2011

Acting Workshop from Eugene Domingo

Dear Juliet,

Heto, para di tayo magsawa kay Sando Boy, manood tayo ng video :) Napanood mo na ba ang patok sa takilyang Ang Babae sa Septic Tank? Ako oo. Ang galing ni Eugene Domingo!


 Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Sili: Revealing My Sando Boy

Dear Juliet,

Gusto ko sanang panatilihin ang pagiging misteryoso si Sando Boy sa aking mga mambabasa. Kaya lang, si Clarabelle, gustong lagyan ko ng mukha ang lalaking kasalukuyan kong pinagpapantasyahan. Haha!

Okay, I know this is so silly. Hence, the blog title. Pero nakakatawa, nakakatuwa, at nakakaloka kasi ang mga ganitong karanasan. Alam kong katangahan lang ito. Pero hindi naman talaga ako umaasa ng kahit na ano mula kay Sando Boy. Ni hindi ko nga alam kung anong pangalan nya eh. Ini-enjoy ko lang talaga ang KILIG na nakukuha ko mula sa kalandiang ito.

I felt silly and childish doing this, but WTH! I took a picture of him in the treadmill. Buti na lang di nakuha ng litrato yung "awkwardness" ng pagtakbo niya. Ang tangkad kasi niya kaya mukhang di siya kumportable sa treadmill.

Ladies and gents, without further ado... SANDO BOY!

manly looks - check!
protruding chest - check!
new gwapo haircut - check!
naka white shirt ang lolo natin - check!
unidentified rubber shoes - check!
mukhang lampin na face towel - check!
giant payong - check na check!

Don't get me wrong. Di ko nilalait si Sando Boy. Mahal ko nga sya eh, di ba? Wow, mahal. Heavy! Big word! ;p Naaaliw lang talaga ako sa kanya, sa personality nya. Kasi kahit na gwapo siya, wala siyang ere. Parang hindi niya alam na mainit siya na parang sili (Translation: Hot as pepper). Hindi niya alam na "desired" siya by me. Hahahahay!

Bago siya nakapag-treadmill, ako talaga yung gumagamit nung spot niya. Dalawang treadmill lang kasi ang gumagana ng mga panahong iyan. Patapos na ako magtreadmill nang marealize niyang hindi niya magamit yung mga nakapatay na machine. Kaya when he was about to give up and leave, bumaba ako ng treadmill and offered it to him. KILIG! Siyempre, nang magkasalubong kami, sumulyap pa muna ako sa kanya. PAK!

Haha! Para akong tanga!

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Wednesday, August 17, 2011

Sando Boy Part 2

Dear Juliet,

Tulad ng pinangako ko, heto na ang bago kong blog entry tungkol sa mga pantasya ko kay Sando Boy. Haha. Oo, pantasya na lang ito. Napakalaki kasi ng posibilidad na wala talaga siyang gusto sa akin. Gayunpaman, patuloy pa rin akong kikiligin sa mga engkwentro namin. Masaya eh, bakit ba?!

Unahin natin kung bakit ako kumbinsido na di niya ako gusto. Kasi di ba, pag may gusto tayong tao, sinusubukan nating maging maganda ang imahe natin sa harap nila? Sa kasawiang palad, si Sando Boy, walang kyemeng suminga sa tabi ko. Opo, mga mahal kong mambabasa. Kumuha siya ng tuwalya, at walang pakundangang suminga. Sinisipon ang lolo natin. Haha. 

Nope, this isn't Sando Boy!
Wala naman sa akin yung pagsinga niya sa harap ko. Nagagawa ko rin naman yun in public kapag kailangang kailangan talaga. Kahit suminga siya, hindi naman nabawasan ang pagtingin ko sa kanya. At alam niyo rin namang wala akong paki-alam sa outfit niya di ba? Kebs lang sa akin ang maluwag na puting sando nya. Kebs lang din sa akin ang giant payong niya. Pero ito ang pinaka-nakakagulat sa lahat. Walang kyeme siyang nag-"unwedge" ng wedgy niya sa harap ko.
wedge (n.) - a phenomenon when one's undergarment uncomfortably folds or rolls up the bum (Happidezz, 2010).
Hayun. Yun lang. Kaloka! Pero heto, may pangyayari na siyang nagtutulak sa akin upang maniwalang kami ang itinakda sa isa't-isa.

Isang Sabado sa gym, naka-upo ako sa couch at pinapanood ang kaibigan ko habang binabanat ng instructor ang katawan niya. Pauwi na si Sando Boy pero may kailangan siya kay instructor kaya tumabi muna siya sa akin sa couch. Siyempre, deadma lang ang lola niyo. Poker face! Pero deep inside, nagsusumigaw na ako sa kilig. POCHA! This is it. This is a sign!

So magkatabi kami di ba? Eh biglang nagkuwento si instructor tungkol kay lady gym member na may stalker. Ang pagkakaintindi ko sa kuwento ng malabo naming instructor, babae yung stalker ni lady gym member, kaya nilinaw ko.

DEZ: Ha? Babae?

Haha. Nakakakilig! Alam mo kung bakit? Kasi pareho kami ng wavelength ni Sando Boy! Sabay naming sinambit ang mismong linyang yan! 

DEZ ♥and♥ SANDO BOY: Ha? Babae?

Major deadma na naman ang lola niyo sa kabila ng nagsusumabog na kaligayahan. Haha. Langit kasi ang pakiramdam nung narinig ko ang mababa niyang boses na sumabay sa malamyos kong tinig. LoL! Oo naman, malamyos talaga! Hahaha. So, tuloy lang ako sa pakikinig sa kuwento. Nilinaw ni gym instructor na hindi babae ang stalker: "Lalaki yung stalker, ano ba kayo."

DEZ ♥and♥ SANDO BOY: Ah!

Hahaha! Ang babaw ko noh?  Pero dahil sa pangyayaring yan, gusto ko na talagang maniwala na kami ang tinadhana. Wahahahaha!

Naloloka ka na ba sa akin?

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Saturday, August 13, 2011

Grammar, Balarila: Sukatan ng Pagkatao?

Dear Juliet,

Gusto ko lang ibahagi ang komento ko sa blog entry ni Madie patungkol sa GRAMMAR o BALARILA. Di ako nagagalit kay Madie. Naiirita lang talaga kasi ako kapag naaalala ko yung mga mayayabang na taong GRAMMAR POLICE ang turing sa sarili nila. Gusto ko sila tanungin: "Asan ang tsapa mo? Saang Grammar Police Academy ka nagtapos ng pag-aaral? Ganoon ka ba talaga kagaling mag-Ingles? Sige nga, ano sa Ingles ang sayang, tampo, bayanihan?"

Naiintindihan ko ang kahalagahan ng grammar sa pakikipagtalastasan. Lagi sinasabi ng mga guro ko sa Ingles na kapag may problema sa line of communication, paniguradong magkakaron ng communication breakdown. Isang problema sa line of communication ang mali-maling grammar, pero heto lang ang masasabi ko para sa mga Grammar Police dyan:
bilang isang mag-aaral ng linguistics, natutunan ko na ang maging tolerant sa mga taong mali-mali ang grammar. Minsan, natatawa pa rin ako pag nakakabasa ng balikong Ingles.

Hindi lahat ng tao, napag-aralan ang grammar, pero hindi ibig sabihin nito na ang mga nakapag-aral lang ng grammar ang may karapatang mag-Ingles. Maswerte tayo kasi may background tayo on grammar. Pero hindi yun lisensya para manlait ng ibang taong di nakapag-aral ng grammar.

Bullshit lang yung mga mayayabang na grammar police na yan. masyadong mapagmalaki. Ang katunayan, surface lang ng isang malawak na topic ng grammar ang subject-verb agreement. Magmalaki sila kung napag-aralan na nila si Michael Halliday. Magmalaki sila kung maeexplain nila ang relationship ng PHONOLOGY, MORPHOLOGY, SYNTAX, at SEMANTICS.

PUTANG INA NG MGA GRAMMAR POLICE NA YAN! sana bagsakan sila ng eroplano!  
Minsan kasi pagmamalaki na lang na magaling tayo mag-Ingles kaya natin tinatama at pinagtatawanan at minamaliit ang mga taong "wrong grammar." Isang paraan para itaas ang sarili nating bangko ang panlalait ng kamalian ng iba. Pero kung papansinin at pag-aaralan, kaninong pagkatao ba ang bumababa? Sa sarili kong palagay, mas bumababa ang pagkatao ng mapanlait at mayabang na grammar police kumpara sa taong mali ang grammar pero sumusubok pa rin.

If we're so confident of our grammar and of our English, we should share our expertise to those who need it. Sharing is caring. Be a positive change. Huwag puro yabang! Pucha! Sige na. Ikaw na ang mukhang mayaman at matalino sa angking galing mo mag-INGLES!

Nakakainit talaga ng ulo yang mga grammar police na yan eh. Sobrang yabang nila sa kagalingan nila mag-Ingles pero pag pinag-Filipino naman, walang binatbat.

Kung ako ang makakakita o makakarinig ng wrong grammar, ngingiti na lang ako mag-isa. Itatama ko yung kamalian sa utak ko. Di na kailangan mag-tweet o mag-status. Di na kailangan magyabang. Di na kailangan manlait. Kung kaya ko, ipapaliwanag ko sa taong nagkamit ng grammatical error kung bakit mali yung grammar niya. Yun lang :)

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Friday, August 5, 2011

Ang Bakatdog at Bakitlog, Bow.

Dear Juliet,

The gym is a jungle full of moose knuckles and some camel toes! I'm telling you, this place is so interesting!

Masasabi kong gym ang highlight ng buhay ko ngayon. Haha! Sa totoo lang, mas may gana ako ngayon mag-ehersisyo kaysa mag-aral o magtrabaho. Nakakaaliw kasi ang mga karanasan ko sa gym at talagang komportable ako dito. Pero nagtataka ka ba kung bakit ganito ang pamagat ng entry kong ito?

Tatlong linggo na kasi akong sumasali sa group sessions--tuwing Lunes, taebo; tuwing Huwebes, yoga; at tuwing Sabado, Latin at Hiphop dances. Nakakatuwa. Nakakatawa. Mga lalaki kasi ang instructors sa mga group sessions na ito. At di ko man gustuhin, talagang di ko mapigilan ang mga mata kong mapansin ang mga bagay na sadya namang kapansin-pansin. Madami kasing bumabakat sa mga instructors namin maliban sa malalaki nilang... MUSCLES. So kung hindi muscles, ano pa nga ba ang maaaring bumakat?

Moose knuckle festival sa gym, lalo na kapag araw ng taebo at yoga. Nakakaloka. Nakakatawa. Nakakawindang! Tuwing oras ng stretching at cool down, talagang pinipigilan ko ang sarili kong tumawa. Tinitiyak ko ring di manlalaki ang mga mata ko kapag napapansin ko ang mga bakatdogs at bakitlogs nila. Awkward. Subalit gayunpaman, masasabi kong magagaling talaga ang instructors namin. Ginagawa nila ang lahat ng makakaya nila upang ituro sa aming mga members ang tamang poses, steps, etc. Ginagawa nila ang lahat, kahit pa kapalit ng dedikasyon nila sa pagtuturo ang pagka-ipit at pagbakat ng kanilang man thingamajiggs. Hahaha!

Sobrang AWKWARD, di ba? [source]
So ngayon, alam niyo na ba kung bakit ganito ang pamagat ng entry na ito? Mahilig kasi ako sa portmanteaus. Pansinin nyo na lamang ang pangalan ng blog ko--pinagsamang "Happiness" at "Dez." Kaya kung pag-aaralan ang pamagat ng entry na ito, tatlong salita lamang ang pinaglaruan ko--"bakat," "hotdog," at "itlog."

BOW.

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

Monday, August 1, 2011

Sando Boy

Dear Juliet,

Nakakatawa na kailangan kong isulat ang entry na ito! Hahahaha! May crush na kasi ako! Hahahaha. At sobrang aga pa man para sa tanong na ito, itatanong ko pa rin. Siya na kaya ang Da One ko? Hahahaha. 

Hindi naman ako nagmamadali magka-boyfriend ulit. Sabi ko nga, "I am single by choice" dahil sa totoo lang, kung sana'y pumapatol ako sa totoy na estudyante, sa majonders, sa may asawa, at sa pangit, eh di sana may boyfriend na ako ngayon. [Haha, ang tigas lang ng mukha ko.] Pero hindi. Matiyaga akong naghihintay at naghahanap ng lalaking sakto sa panlasa ko--yung lalaking talagang pasok sa pamantayan ko at hindi yung napilitan na lang ako tanggapin yung mga katangian niyang ayaw ko. Heto't may isang lalaking sa tingin ko ay interesado ako. Siya na nga kaya?

Itago natin siya sa pangalang "Sando Boy." Oo, nakasando kasi siya madalas sa gym. Hindi ito yung tipo ng sando na sexy, fitted, at may macho effect. Ito yung puting sando na katulad ng suot ng mga batang walang muwang sa buhay--maluwag at maputim. Nakakatawa, di ba? Hahaha! Yung rubber shoes nya, hindi ko alam kung ano ang tatak. Mukhang hindi branded, pero wala akong pakialam. Tapos, kapag maulan, nagdadala siya ng malaking payong at wala siyang pakialam kung nakakawala man ito ng poise kapag binitbit na nya. Wala rin naman akong paki-alam na nawala nga talaga ang poise niya dahil sa pagdadala nito. Ang akin lang, I LIKE HIM! Sa dinami-dami ng macho at gwapo sa gym, siya ang natipuhan ko. Hahaha!

Mukha kasi siyang lalaking lalaki, walang arte sa katawan, tahimik, at seryoso. Bonus na yung kagwapuhan nya, ang malalaki niyang muscles, at ang flat na tiyan niya. Hahahaha! Ayan. Kinikilig na ako. SHET!

Ang malaking problema ko lang: Hindi niya ako pinapansin. Hindi naman ako nagpapapansin sa kanya, pero paano ko malalaman na interesado rin siya sa akin? Ayaw ko maging assuming, pero posible bang interesado rin sya sa akin kung:

a) nagpatugtog siya sa sound system ng gym at pinili nya ang "Beautiful Soul" sa dinami-rami ng kanta sa kanyang playlist. Pakiramdam ko kasi dedicated yung song para sa akin. Hahahaha! Damang dama ko ang lyrics: I don't want another pretty face, I don't want just anyone to hold, I don't want my love to go to waste, I want you and your beautiful soul.

b) pakiramdam ko, pinapanood/sinusulyapan niya ako tuwing sumasali ako sa group sessions. Madalas ko kasi siyang nahuhuli na nakatingin sa direksyon ko. Kaya naman tinotodo ko na ang dance performances ko sa group sessions kasi alam kong nakikita niya ako ;p Hahahaha.

c) noong huling beses na nagkasabay kami, lumalapit siya sa treadmill kung saan ako nandoon. Kinikilig lang ako sa paniniwalang ako yung talagang gusto niya mapuntahan. Hahaha.

d) Ito ang pinakaMABANGIS sa lahat: nagbihis sya sa harap ko. Opo, mga kaibigan. He was topless, shirtless, and bare in front of me! Hahahaha! Sige na nga. Hindi naman eksakto sa harap ko; mga eleven o'clock ko lang. Pero nagbihis siya sa isang lugar na ako lang yung makakapansin sa kanya, bilang ako lang yung nakaharap sa direksyon niya. At dahil ako'y isang tunay na dalagang Pilipina, hindi ako tumitig. Sumulyap lang ako at iniwas agad ang paningin ko. Sa salita nga ng aming gym instructor, "Tumakam lang." Hahaha!

Alam ko namang imahinasyon ko lang ang mga ito. Maaaring di naman talaga ako ang gusto nya. Maaaring ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga kinikilos nya. Maaaring bading pala siya o may asawa na. Pero ang akin lang, I LIKE HIM!

And liking him makes me happy and jumpy and kilig-y! ;)

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz