Wednesday, August 17, 2011

Sando Boy Part 2

Dear Juliet,

Tulad ng pinangako ko, heto na ang bago kong blog entry tungkol sa mga pantasya ko kay Sando Boy. Haha. Oo, pantasya na lang ito. Napakalaki kasi ng posibilidad na wala talaga siyang gusto sa akin. Gayunpaman, patuloy pa rin akong kikiligin sa mga engkwentro namin. Masaya eh, bakit ba?!

Unahin natin kung bakit ako kumbinsido na di niya ako gusto. Kasi di ba, pag may gusto tayong tao, sinusubukan nating maging maganda ang imahe natin sa harap nila? Sa kasawiang palad, si Sando Boy, walang kyemeng suminga sa tabi ko. Opo, mga mahal kong mambabasa. Kumuha siya ng tuwalya, at walang pakundangang suminga. Sinisipon ang lolo natin. Haha. 

Nope, this isn't Sando Boy!
Wala naman sa akin yung pagsinga niya sa harap ko. Nagagawa ko rin naman yun in public kapag kailangang kailangan talaga. Kahit suminga siya, hindi naman nabawasan ang pagtingin ko sa kanya. At alam niyo rin namang wala akong paki-alam sa outfit niya di ba? Kebs lang sa akin ang maluwag na puting sando nya. Kebs lang din sa akin ang giant payong niya. Pero ito ang pinaka-nakakagulat sa lahat. Walang kyeme siyang nag-"unwedge" ng wedgy niya sa harap ko.
wedge (n.) - a phenomenon when one's undergarment uncomfortably folds or rolls up the bum (Happidezz, 2010).
Hayun. Yun lang. Kaloka! Pero heto, may pangyayari na siyang nagtutulak sa akin upang maniwalang kami ang itinakda sa isa't-isa.

Isang Sabado sa gym, naka-upo ako sa couch at pinapanood ang kaibigan ko habang binabanat ng instructor ang katawan niya. Pauwi na si Sando Boy pero may kailangan siya kay instructor kaya tumabi muna siya sa akin sa couch. Siyempre, deadma lang ang lola niyo. Poker face! Pero deep inside, nagsusumigaw na ako sa kilig. POCHA! This is it. This is a sign!

So magkatabi kami di ba? Eh biglang nagkuwento si instructor tungkol kay lady gym member na may stalker. Ang pagkakaintindi ko sa kuwento ng malabo naming instructor, babae yung stalker ni lady gym member, kaya nilinaw ko.

DEZ: Ha? Babae?

Haha. Nakakakilig! Alam mo kung bakit? Kasi pareho kami ng wavelength ni Sando Boy! Sabay naming sinambit ang mismong linyang yan! 

DEZ ♥and♥ SANDO BOY: Ha? Babae?

Major deadma na naman ang lola niyo sa kabila ng nagsusumabog na kaligayahan. Haha. Langit kasi ang pakiramdam nung narinig ko ang mababa niyang boses na sumabay sa malamyos kong tinig. LoL! Oo naman, malamyos talaga! Hahaha. So, tuloy lang ako sa pakikinig sa kuwento. Nilinaw ni gym instructor na hindi babae ang stalker: "Lalaki yung stalker, ano ba kayo."

DEZ ♥and♥ SANDO BOY: Ah!

Hahaha! Ang babaw ko noh?  Pero dahil sa pangyayaring yan, gusto ko na talagang maniwala na kami ang tinadhana. Wahahahaha!

Naloloka ka na ba sa akin?

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

1 comment:

  1. hahaha ang cute naman. pagpatuloy mo lang ang kwento mo tungkol kay sando boy hahhaa

    ReplyDelete

How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!