Monday, August 1, 2011

Sando Boy

Dear Juliet,

Nakakatawa na kailangan kong isulat ang entry na ito! Hahahaha! May crush na kasi ako! Hahahaha. At sobrang aga pa man para sa tanong na ito, itatanong ko pa rin. Siya na kaya ang Da One ko? Hahahaha. 

Hindi naman ako nagmamadali magka-boyfriend ulit. Sabi ko nga, "I am single by choice" dahil sa totoo lang, kung sana'y pumapatol ako sa totoy na estudyante, sa majonders, sa may asawa, at sa pangit, eh di sana may boyfriend na ako ngayon. [Haha, ang tigas lang ng mukha ko.] Pero hindi. Matiyaga akong naghihintay at naghahanap ng lalaking sakto sa panlasa ko--yung lalaking talagang pasok sa pamantayan ko at hindi yung napilitan na lang ako tanggapin yung mga katangian niyang ayaw ko. Heto't may isang lalaking sa tingin ko ay interesado ako. Siya na nga kaya?

Itago natin siya sa pangalang "Sando Boy." Oo, nakasando kasi siya madalas sa gym. Hindi ito yung tipo ng sando na sexy, fitted, at may macho effect. Ito yung puting sando na katulad ng suot ng mga batang walang muwang sa buhay--maluwag at maputim. Nakakatawa, di ba? Hahaha! Yung rubber shoes nya, hindi ko alam kung ano ang tatak. Mukhang hindi branded, pero wala akong pakialam. Tapos, kapag maulan, nagdadala siya ng malaking payong at wala siyang pakialam kung nakakawala man ito ng poise kapag binitbit na nya. Wala rin naman akong paki-alam na nawala nga talaga ang poise niya dahil sa pagdadala nito. Ang akin lang, I LIKE HIM! Sa dinami-dami ng macho at gwapo sa gym, siya ang natipuhan ko. Hahaha!

Mukha kasi siyang lalaking lalaki, walang arte sa katawan, tahimik, at seryoso. Bonus na yung kagwapuhan nya, ang malalaki niyang muscles, at ang flat na tiyan niya. Hahahaha! Ayan. Kinikilig na ako. SHET!

Ang malaking problema ko lang: Hindi niya ako pinapansin. Hindi naman ako nagpapapansin sa kanya, pero paano ko malalaman na interesado rin siya sa akin? Ayaw ko maging assuming, pero posible bang interesado rin sya sa akin kung:

a) nagpatugtog siya sa sound system ng gym at pinili nya ang "Beautiful Soul" sa dinami-rami ng kanta sa kanyang playlist. Pakiramdam ko kasi dedicated yung song para sa akin. Hahahaha! Damang dama ko ang lyrics: I don't want another pretty face, I don't want just anyone to hold, I don't want my love to go to waste, I want you and your beautiful soul.

b) pakiramdam ko, pinapanood/sinusulyapan niya ako tuwing sumasali ako sa group sessions. Madalas ko kasi siyang nahuhuli na nakatingin sa direksyon ko. Kaya naman tinotodo ko na ang dance performances ko sa group sessions kasi alam kong nakikita niya ako ;p Hahahaha.

c) noong huling beses na nagkasabay kami, lumalapit siya sa treadmill kung saan ako nandoon. Kinikilig lang ako sa paniniwalang ako yung talagang gusto niya mapuntahan. Hahaha.

d) Ito ang pinakaMABANGIS sa lahat: nagbihis sya sa harap ko. Opo, mga kaibigan. He was topless, shirtless, and bare in front of me! Hahahaha! Sige na nga. Hindi naman eksakto sa harap ko; mga eleven o'clock ko lang. Pero nagbihis siya sa isang lugar na ako lang yung makakapansin sa kanya, bilang ako lang yung nakaharap sa direksyon niya. At dahil ako'y isang tunay na dalagang Pilipina, hindi ako tumitig. Sumulyap lang ako at iniwas agad ang paningin ko. Sa salita nga ng aming gym instructor, "Tumakam lang." Hahaha!

Alam ko namang imahinasyon ko lang ang mga ito. Maaaring di naman talaga ako ang gusto nya. Maaaring ako lang ang nagbibigay ng kahulugan sa mga kinikilos nya. Maaaring bading pala siya o may asawa na. Pero ang akin lang, I LIKE HIM!

And liking him makes me happy and jumpy and kilig-y! ;)

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

5 comments:

  1. hai nku dez..as i am writing this comment, hindi ko pa tpos basahin pro, tawa na ko ng tawa!!!!i felt like kausap lng kit with all your reactions...haha!

    ReplyDelete
  2. ok, im done reading it.nkakatawa ka tlaga dez!can't wait na ikwento mo in person!haha! ~!~

    ReplyDelete
  3. Trixie :p natatawa nga rin ako habang sinusulat ko to. Pano, parang high school lang ako. Hahaha :)

    ReplyDelete
  4. sabi nila, "bading lang ang nag-ggym". lol. pero malay mo naman. ayee! :) im so happy for you.

    ReplyDelete
  5. Haha, shelly! :p di naman sila lahat bading. May follow up nako dyan kay sando boy. Nakakatawa! :psando boy. Nakakatawa! :p

    ReplyDelete

How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!