Sunday, March 25, 2012

Dear Juliet,

Minsan, gusto ko na lang magalit because I wasn't given the comfortable life I’ve been wanting to live. Gusto ko magalit kasi hindi na matupad-tupad yung usapan namin ng parents ko na kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral, pwede ko na gawin lahat ng gusto ko. Gusto ko magalit kasi hindi kami mayaman. Gusto ko magalit kasi ang hirap ng ganitong buhay namin.

I know, I sound a bit too exaggerated. Hindi pa naman kami umaabot sa puntong wala nang makain sa umaga, tanghali, at gabi. We’re still surviving. Pero gets? Ang HIRAP. Ayoko na ng ganito.

Nakakalungkot lang na ang dami kong gusto gawin at bilhin para sa sarili ko pero di ko magawa kasi kailangan ko pa tulungan yung pamilya ko. Ang selfish lang pakinggan diba? Gusto ko magshopping pero di pwede bilhin lahat. Gusto ko magtravel pero walang pamasahe at walang time. Gusto ko kumain ng masarap pero expensive na, fattening pa. ANG DAMI KONG GUSTO. Ang babaw noh?

Pero minsan kasi nakakapagod na yung setup na feeling mo lagi kang deprived. Na kahit anong gawin mong pagtatrabaho, hindi ka suswelduhan ayon sa tingin mo ay deserve mo. At kahit anong gawin mong pagtatrabaho, parang never magkakasya yung suswelduhin mo sa mga expenses na kailangan mo bayaran. Nakakabaliw. Ang hirap. Tapos ang mas nakakalungkot pa dun, nakikita mo yung mga tao sa paligid mong napakaginhawa ng buhay. Bakit ganun? Nakakalungkot lang talaga.

Hay. Ang emotional lang nitong hapon ko. Ewan ko ba. Pakiramdam ko buong February nako nahihirapan. Nag-extend pa ng March. Takte, sana naman sa April mas gumaan na ang mga bagay. HHUUUGGSSS! ;c

Bukas, when I'm in a better mood, pagsisisihan at pagtatawanan ko kung bakit ko sinulat itong entry na ito.

Hoping, waiting, believing.
★ Happidezz

No comments:

Post a Comment

How did you find this blog entry? Feel free to leave your comments and/or questions and I'll try to get back to you as soon as I can. Thanks for visiting!